Nagpapasalamat ang aktor na si Shido Roxas dahil babae na ngayon ang nakakahalikan niya sa pelikula.
Kasama si Shido sa Metro Manila Film Festival 2021 entry ng A&Q Production Films na Nelia, na pinagbidahan nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing.
May mainit na love scene daw siya rito kay Ali Forbes, na may mahalaga ring role sa naturang pelikula.
Ang ganda ng ngiti ni Shido nang naka-lunch namin nung Sabado, November 27, sa Supersam, Sct. Rallos St., Quezon City dahil babae na ang kahalikan niya at hindi na lalaki.
Nasalang si Shido sa bonggang laplapan with Ross Pesigan sa MMFF 2018 entry na Rainbow’s Sunset.
Nag-lips-to-lips silang muli ni Ross sa 2020 iWant mini-series na Beauty Queens, kung saan una niyang nakatrabaho Winwyn.
Shido Roxas and Ross Pesigan in a scene from Beauty Queens
May ilang projects pang inalok kay Shido na may makakahalikan siyang kapwa aktor, pero mabuti at hindi natuloy ang mga iyon. Pinakiusapan niya ang manager niyang si Leo Dominguez na kung puwede ay huwag na siyang bigyan ng project na may kahalikang lalaki.
At least dito sa suspense-thriller na Nelia ay si Ali Forbes ang kaharutan ni Shido, kaya happy siya.
Lahad ni Shido, “Everytime na my manager Tito Leo [Dominguez] would ask me… yung ano nga po, yung film last time. Tapos, actually, may series pa dapat na gagawin, e.
“Sabi ko, ‘Tito Leo, parang awa mo na, huwag mo akong bigyan ng kissing scene sa lalaki.’ For two years, iyon ang sinasabi ko.
“Even before coming to showbiz, merong project na na-shelve. That was my only request, ‘Huwag mo akong bigyan ng kissing scene sa lalaki.’
“Okay lang yung hug, pero yung kissing scene, ayaw ko talagang ginagawa,” pagdidiin ni Shido.
Talap-talap ang laplapan nina Shido Roxas at Ross Pesigan sa MMFF 2018 film na Rainbow’s Sunset, kung saan gumanap silang young Eddie Garcia at young Tony Mabesa, respectively.
Ang galing-galing nila! Bigay na bigay! Natuwa ang direktor nilang si Joel Lamangan.
“Alam nyo po kung bakit ganun ang kinalabasan? Kasi, sinisindak kami ni Direk Joel,” kuwento ni Shido.
“Hindi raw puwedeng dayain. Pag hindi namin ginawa nang maayos, uulit-ulitin daw. So, ginawa na lang namin kesa ulit-ulitin, para minsan lang.”
Bakit hindi siya comfortable na makipaghalikan sa kapwa lalaki?
Paglilinaw ni Shido, “Hindi naman po sa hindi comfortable. But since I’ve done it twice, parang enough na siguro ako roon.
“Kumbaga, let’s try naman yung bago. Kaya ngayon, ang ginagawa kong roles, mga kontrabida roles.
“Kasi, they figured out na mas kaya ko yung kontrabida, yung masamang tao kaysa magpapa-boyfriend ako parati.
“Kasi, first film ko, boyfriend ako kay Erich Gonzales. Tapos, naging asawa ako ni Max Collins. Sa teleserye, naging boyfriend naman ako ni Kim Chiu.
“I can do butt exposure. Any, anything, because I’ve done that in a different film, guy-to-guy pa nga, e,” pagbuntong-hininga ni Shido.
Mas enjoy ba niya na girl ang kahalikan kesa kapwa lalaki?
“Siyempre naman!” mabilis na sagot ni Shido.
Maayos at marunong magsalita si Shido Roxas na na-meet natin sa MMFF 2021 presscon noong Nobyembre 12, Biyernes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.
Tungkol sa isyung buntis si Winwyn Marquez, ang sabi ni Shido, “Walang etchos ‘to. Hindi talaga ako ma-showbiz na tao. Minsan, may mga artista na hindi ko talaga kilala.
“During the MMFF announcement, when the press were asking, nasa stage po kami, asan daw po si Winwyn, sabi ni Tito Lhar Santiago.
“Hindi ko po alam kung nasaan po si Winwyn, kasi wala po talaga akong alam sa showbiz happenings.
“Kasi, nagbabasa lang ako sa PEP, yung mga trending, yun ang nakikita ko, yung social media.
0 comments:
Post a Comment