Sunday, November 28, 2021

Israel, tiniyak na matutuloy ang Miss Universe 2021 sa kabila ng banta ng Omicron

"We will know how to manage this event. So, by using the waivers committee, we will have events like this, to which the country already committed itself and which we cannot cancel,” says the Tourism minister of Israel. 

Wala nang dapat ipag-alala ang fans ng Miss Universe dahil matutuloy ang 70th Miss Universe sa Red Sea resort sa Eilat, Israel sa December 12, 2021.

Ito ang kinumpirma ni Tourism Minister Yoel Razvozov sa ulat na inilabas ng Reuters ngayong Linggo ng hapon, November 28, 2021.

"This is an event that will be broadcast in 174 countries, a very important event, a event that Eilat, too, is very much in need of.

"We will know how to manage this event. So, by using the waivers committee, we will have events like this, to which the country already committed itself and which we cannot cancel,” sabi ni Razvozov sa mga miyembro ng media.

Idinagdag ng Tourism minister ng Israel na bibigyan ng waiver at posibleng sumailalim sa RT-PCR testing tuwing 48 oras ang mga kandidata ng Miss Universe 2021 bilang pag-iingat laban sa Omicron, ang bagong variant ng COVID-19.

Nabahala ang Miss Universe fans nang ihayag ng Israeli government kahapon, November 27, ang pagbabawal sa mga dayuhan na pumasok sa kanilang bansa dahil sa Omicron.


Nawala lamang ang pangamba ng beauty pageant aficionados nang sabihin ni Razvozov na hindi kakanselahin ng pamahalaan ang 70th Miss Universe.

May 78 na kalahok sa kasalukuyan ang Miss Universe 2021, kabilang si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez na dumating sa Tel Aviv ngayong Linggo ng hapon.

Nakarating na rin sa Israel ang plus-size beauty at Miss Universe Thailand na si Anchilee Scott-Kemmis, pati si Miss South Africa Lalela Mswane.

Itinuloy ni Mswane ang pagpunta sa Israel, sa kabila ng banta ng South African government na hindi susuportahan ang pagsali niya sa 70th Miss Universe. Tutol ang pamahalaan ng South Africa na idaos sa Israel ang Miss Universe bilang protesta sa diumano’y pagmamalupit ng mga Israeli sa mga mamamayan ng Palestine.



Share:

0 comments:

Post a Comment

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

Total Pageviews

Recent Posts