Monday, November 15, 2021

Ogie Diaz tinanggihan niya ang alok ng Kapuso sitcom ni John Lloyd Cruz

Loyal Kapamilya talaga ang komedyante, talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Sa kanyang latest showbiz vlog update, ibinahagi ni Ogie na tinanggahin niya ang alok ni Direk Bobot Mortiz. Na makasama sa set ng gagawing sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA.

“Inalok nga sa’kin ni Direk ‘yan. Hindi ko lang alam kung same kwento o nag-iba na ng kwento dahil hindi nila nakuha ‘yung iba nilang cast.”



Paliwanag pa ni Ogie, kalahati ng cast ay mangggaling sa GMA habang ang iba naman ay personal choice ni John Lloyd Cruz at karamihan sa mga ito ay mula sa dati rin niyang sitcom sa ABS-CBN.













Si John Lloyd din kasi umano ang creative consultant ng kanilang palabas kaya naman isa rin si Ogie sa mga napili nito na maging bahagi pa rin sana ng kanyang bagong sitcom.

Ayon kay Ogie, sobrang thankful raw siya na kinokonsider siya ni Direk Bobot peru gusto parin daw niyang magiging kapamilya.



“Kaya lang nga di ba, alam n’yo na? Gusto ko pa ring maging Kapamilya. Sobra ang puso ko sa pagiging Kapamilya”











Share:

0 comments:

Post a Comment

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

Total Pageviews

Recent Posts