Kamakailan ay naglabas ng video sa facebook ang mayor ng Subic, Zambales na si Jay Khonghun kasama ang kanyang partner na si Aiko Melendez upang itanggi ang mga paratang ng kaniyang kalaban sa politika na sila daw ay kasama sa tinatawag na Narco Politicians.
Sa videong inilabas ni Jay at Aiko sa Facebook, sinabi ng mayor na natural lang sa mga panahong katulad nito na malapit na ang eleksyon, ay ang paglabas ng kung ano anong balita at paninira laban sa mga kandidato. Sinabi ng mayor na siya, kasama ang kanyang ama at pamilya ay inaakusahan na kasali sa mga politikong may kinalaman sa paglaganap ng dr0ga o nacro-politicians.
Mariin niyang itinanggi ang mga paratang laban sa kanya. Sinabi niyang sa tagal na nilang naninilbihan sa lalawigan ng Zambales ay hindi nila basta sisirain ang kanilang pangalan dahil lang sa salapi. Idinagdag pa nito na ang kanyang ama ay matagal ng contractor kung kaya’t kahit papaano ay hindi naman sila naghihirap para patulan ang narcotics trade.
Si Aiko Melendez rin ay nagsalita laban sa kanilang katunggali sa darating na eleksyon, at sinabing magdahan dahan sa paninira sa kanila at huwag naman lumampas sa puntong kasinungalingan na ang ipinupukol. Sana aniya ay maging patas ang kalaban sapagkat pareho lamang nilang gustong magsilbi sa lalawigan kung kaya’t hindi na kailangan ang mga paninira sa isa’t-isa.
Ipinagtanggol din ni Aiko ang kanyang partner sa pagsasabing isusugal niya ang kanyang malinis na pangalan para sabihing hindi kailanman nasangkot ang pamilya Khonghun sa iligal na dR0ga. Sinabi nito na hindi sila magugulat kung nasa listahan nga ang pangalan ng Khonghun ngunit gagawin nila ang lahat para linisin ito.
Samantala, inilabas kahapon ng pangulo ang pinakahuling listahan ng mga politiko na sangkot sa iligal na dr0ga at naroon nga ang pangalan ni mayor Jay Khonghun. Sinabi ng pangulo na ang listahan ay naberipika na, na validate, at may mga kaukulang pruweba para tumayo sa korte.
Sinabihan naman ng palasyo na kung sinuman ang umaapela sa laman ng listahan at sa tingin nila ay nalabag ang kanilang karapatan bilang tao, ay maaaring magsampa ng kaso sa korte upang malinis ang kanilang pangalan.
Source: PEP.ph