Sunday, November 28, 2021

Israel, tiniyak na matutuloy ang Miss Universe 2021 sa kabila ng banta ng Omicron

"We will know how to manage this event. So, by using the waivers committee, we will have events like this, to which the country already committed itself and which we cannot cancel,” says the Tourism minister of Israel. 

Wala nang dapat ipag-alala ang fans ng Miss Universe dahil matutuloy ang 70th Miss Universe sa Red Sea resort sa Eilat, Israel sa December 12, 2021.

Ito ang kinumpirma ni Tourism Minister Yoel Razvozov sa ulat na inilabas ng Reuters ngayong Linggo ng hapon, November 28, 2021.

"This is an event that will be broadcast in 174 countries, a very important event, a event that Eilat, too, is very much in need of.

"We will know how to manage this event. So, by using the waivers committee, we will have events like this, to which the country already committed itself and which we cannot cancel,” sabi ni Razvozov sa mga miyembro ng media.

Idinagdag ng Tourism minister ng Israel na bibigyan ng waiver at posibleng sumailalim sa RT-PCR testing tuwing 48 oras ang mga kandidata ng Miss Universe 2021 bilang pag-iingat laban sa Omicron, ang bagong variant ng COVID-19.

Nabahala ang Miss Universe fans nang ihayag ng Israeli government kahapon, November 27, ang pagbabawal sa mga dayuhan na pumasok sa kanilang bansa dahil sa Omicron.


Nawala lamang ang pangamba ng beauty pageant aficionados nang sabihin ni Razvozov na hindi kakanselahin ng pamahalaan ang 70th Miss Universe.

May 78 na kalahok sa kasalukuyan ang Miss Universe 2021, kabilang si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez na dumating sa Tel Aviv ngayong Linggo ng hapon.

Nakarating na rin sa Israel ang plus-size beauty at Miss Universe Thailand na si Anchilee Scott-Kemmis, pati si Miss South Africa Lalela Mswane.

Itinuloy ni Mswane ang pagpunta sa Israel, sa kabila ng banta ng South African government na hindi susuportahan ang pagsali niya sa 70th Miss Universe. Tutol ang pamahalaan ng South Africa na idaos sa Israel ang Miss Universe bilang protesta sa diumano’y pagmamalupit ng mga Israeli sa mga mamamayan ng Palestine.



Share:

Shido Roxas, sawakas ay babae na daw ang kanyang kahalikan sa pelikula


Nagpapasalamat ang aktor na si Shido Roxas dahil babae na ngayon ang nakakahalikan niya sa pelikula.

Kasama si Shido sa Metro Manila Film Festival 2021 entry ng A&Q Production Films na Nelia, na pinagbidahan nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing.

May mainit na love scene daw siya rito kay Ali Forbes, na may mahalaga ring role sa naturang pelikula.

Ang ganda ng ngiti ni Shido nang naka-lunch namin nung Sabado, November 27, sa Supersam, Sct. Rallos St., Quezon City dahil babae na ang kahalikan niya at hindi na lalaki.

Nasalang si Shido sa bonggang laplapan with Ross Pesigan sa MMFF 2018 entry na Rainbow’s Sunset.

Nag-lips-to-lips silang muli ni Ross sa 2020 iWant mini-series na Beauty Queens, kung saan una niyang nakatrabaho Winwyn.


Shido Roxas and Ross Pesigan in a scene from Beauty Queens

May ilang projects pang inalok kay Shido na may makakahalikan siyang kapwa aktor, pero mabuti at hindi natuloy ang mga iyon. Pinakiusapan niya ang manager niyang si Leo Dominguez na kung puwede ay huwag na siyang bigyan ng project na may kahalikang lalaki.

At least dito sa suspense-thriller na Nelia ay si Ali Forbes ang kaharutan ni Shido, kaya happy siya.

Lahad ni Shido, “Everytime na my manager Tito Leo [Dominguez] would ask me… yung ano nga po, yung film last time. Tapos, actually, may series pa dapat na gagawin, e.

“Sabi ko, ‘Tito Leo, parang awa mo na, huwag mo akong bigyan ng kissing scene sa lalaki.’ For two years, iyon ang sinasabi ko.

“Even before coming to showbiz, merong project na na-shelve. That was my only request, ‘Huwag mo akong bigyan ng kissing scene sa lalaki.’

“Okay lang yung hug, pero yung kissing scene, ayaw ko talagang ginagawa,” pagdidiin ni Shido.




Talap-talap ang laplapan nina Shido Roxas at Ross Pesigan sa MMFF 2018 film na Rainbow’s Sunset, kung saan gumanap silang young Eddie Garcia at young Tony Mabesa, respectively.

Ang galing-galing nila! Bigay na bigay! Natuwa ang direktor nilang si Joel Lamangan.

“Alam nyo po kung bakit ganun ang kinalabasan? Kasi, sinisindak kami ni Direk Joel,” kuwento ni Shido.

“Hindi raw puwedeng dayain. Pag hindi namin ginawa nang maayos, uulit-ulitin daw. So, ginawa na lang namin kesa ulit-ulitin, para minsan lang.”

Bakit hindi siya comfortable na makipaghalikan sa kapwa lalaki?

Paglilinaw ni Shido, “Hindi naman po sa hindi comfortable. But since I’ve done it twice, parang enough na siguro ako roon.

“Kumbaga, let’s try naman yung bago. Kaya ngayon, ang ginagawa kong roles, mga kontrabida roles.

“Kasi, they figured out na mas kaya ko yung kontrabida, yung masamang tao kaysa magpapa-boyfriend ako parati.

“Kasi, first film ko, boyfriend ako kay Erich Gonzales. Tapos, naging asawa ako ni Max Collins. Sa teleserye, naging boyfriend naman ako ni Kim Chiu.


“I can do butt exposure. Any, anything, because I’ve done that in a different film, guy-to-guy pa nga, e,” pagbuntong-hininga ni Shido.

Mas enjoy ba niya na girl ang kahalikan kesa kapwa lalaki?

“Siyempre naman!” mabilis na sagot ni Shido.

Maayos at marunong magsalita si Shido Roxas na na-meet natin sa MMFF 2021 presscon noong Nobyembre 12, Biyernes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Tungkol sa isyung buntis si Winwyn Marquez, ang sabi ni Shido, “Walang etchos ‘to. Hindi talaga ako ma-showbiz na tao. Minsan, may mga artista na hindi ko talaga kilala.

“During the MMFF announcement, when the press were asking, nasa stage po kami, asan daw po si Winwyn, sabi ni Tito Lhar Santiago.

“Hindi ko po alam kung nasaan po si Winwyn, kasi wala po talaga akong alam sa showbiz happenings.

“Kasi, nagbabasa lang ako sa PEP, yung mga trending, yun ang nakikita ko, yung social media.




Share:

35 porsyento na target population sa probinsya ng Iloilo, fully vaccinated na

Sa 35 porsyento na target population sa probinsiya ng Iloilo ay nakakumpleto na sa covid-19 vaccines as of November 27.

Base sa datus ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO), 508,735 na ang nabakunahan ng second dose.

Patuloy ang pag-engganyo ng Iloilo Provincial government sa mga owa pa nabakunahan na magpartisipan sa tatlong araw na mass vaccination kontra sa COVID-19 umpisa sa November 29 hasta December 1. / ANN DESLENE SALAZAR

Share:

Ibinunyag ng singer-songwriter na si Jessie J na nakunan ito sa kaniyang pagbubuntis.

Ibinahagi ng 33-anyos na si Jessie J sa Instagram ang litrato nito na may hawak na pregnancy kit.

Doon ay inihayag niya ang kaniyang pagdadalamhati para sa kaniyang sanggol na hindi na niya maisisilang.

Ayon kay Jessie J, noong isang araw lang ay nakikipagbiruan siya kasama ang kaniyang kaibigan kung saan ay sinabi niya na nag-aalala siya kung paano niya maitatawid ang kaniyang gig sa LA nang hindi sinasabi sa buong audience na nagdadalang-tao siya.

Pero sa sumunod na araw ay hindi na niya aniya alam kung paano niya matatapos ang kaniyang gig nang hindi nagbe-break down matapos niyang malaman sa kaniyang third scan na wala nang ma-detect na heartbeat sa kaniyang sanggol.

Ipinunto naman ni Jessie na ginusto niya ang pagbubuntis at tiwala naman siya na mararanasan niya ulit ito.

“It’s all I’ve ever wanted and life is short. To get pregnant was a miracle in itself and an experience I will never forget and I know I will have again,”

Share:

Isang Dalagitang albinism ang umagaw pansin sa mga mata ng mga netizen

 


Madalas ng napipilipit ang ibig sabihin ng salitang kagandahan batay sa pamantayan ng ibat ibang tao. At ang pagkakaroon ng kakaibang itsura o kondisyon, na hindi pasok sa panlasa ng karamihan, ay itinuturing pa ngang ‘pangit’.


Gayunpaman, sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng kakaiba o unique na itsura ng isang tao ay posible pa lang maging kaniyang naiibang ganda na hindi makikita basta basta. Iyan ang makikita natin sa isang dalagitang albino.


Nakatawag pansin sa photographer na si Amina Arsakova ang larawan ng isang dalagita na may kakaibang kondisyon. Gayunpaman, sa kabila nito, nakita ni Arsakova ang natatanging ganda ng kabataang nasa larawan kaya naman sinikap niya itong makita ng personal.

Sa kaniyang pagtityaga, nakuha naman ni Arsakova ng phone number ng nanay ng dalagita. Ang nasa larawan pala ay ang 12- anyos na si Amina Ependieva.


Sa kanilang pag-uusap, nalaman na dalawang genetic condition ang dahilan ng pagiging kakaiba ni Ependieva, albinism at heterochromatin.

Ang albinism ay ang kakulangan sa produksyon ng melanin anupat halos ga-nyebe na ang kulay ng balat ni Ependieva. Ang heterochromatin naman ang dahilan ng pagkakaiba ng kulay ng kaniyang iris, isang kulay asul at isang kulay brown.


Sa kabila ng ganitong kondisyon, hindi pa rin maitatago ang ganda ng dalagitang si Ependieva at natuloy din naman ang photoshoot na pinlano ni Amina Arsakova.










Share:

Saturday, November 27, 2021

PAG-IYAK NI MAKAGWAPO IKINAWINDANG NG NETIZENS

 

Imbes na mabagbag ang damdamin, nainis ang ilang mga netizens sa ginawang paghagulgol ng vlogger na si Christian Merck Grey habang inanunsyo na hindi na niya gagamitin ang pangalang Makagwapo sa kanyang mga content.


Sa vlog kung saan kasama niya ang asawang si Pam Esguerra, sinabi ni Grey na, "Para sa ikakatigil ng lahat tsaka para sa pagprotekta ko kay baby, hindi ko na gagamitin yung salitang Makagwapo."




"Hindi ko inakalang dadating 'yung araw na hindi na ako si Makagwapo,
" dagdag niya.
"Gusto kong ipakita sa lahat na kaya kong mawala ang lahat, 'wag ka lang," 
sabi naman niya kay Esguerra.
Nagsimula ang isyu nang ipa-trademark kamakailan ni Grey ang titulong "Makaganda" para gamitin ni Pam gayong ilang taon na itong ginagamit ng ex-girlfriend niyang vlogger din na si Caffey Namindang.


Nagbanta pa si Esguerra kay Namindang na idedemanda ito kapag itinuloy ang paggamit sa nasabing monicker. 
"Pina-trademark ng asawa ko ang MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.) Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo," pagtataray pa nito.
Dahil sa ginawa nina Grey at Esguerra, kinampihan ng mga netizens si Namindang at inulan ng hate ang mag-asawa.






Dahil sa na-bash nang husto, nagdesisyon si Grey na huwag nang gamitin ang Makagwapo para hindi na maiugnay pa kay Namindang at hindi na rin sila batikusin ng publiko.
Hindi naman nakuha sa iyak nina Grey at Esguerra ang mga netizens na nanggigigil pa rin sa kanila 
Komento ng Ilan: 
"Nakakaiyak naman talaga yun lalo kung alam mo talagang hindi ka gwapo."
"Saan ba kase banda yung makagwapo? Naka zoom in na lahat di ko pa din makita."
"Ok yan lang kaya mo yan kailangan mo tanggapin na di ka naman talaga gwapo."
"Kala mo naman talaga gwapo ka kung makaiyak ka. Krazzzzy Merck."
"OA mo din pakiramdam mo talaga gwapo ka. Kaloka."
"Wag nyo panoorin ung blog nyan ang pangit nag iingay lang yan pra kumita ulit..kc ubos n ung pera nyan..kasi kagagling lang nyan sa gastos."

"Hindi ka naman kasi gwapo. Bwisit ka kalalaki mong tao ingay-ingay mo."







Share:

Monday, November 15, 2021

Wedding video nina Derek Ramsay at Ellen Adarna viral na ngayon

 



Inilabas na ngayong araw ang official wedding video ng newlywed couple na si Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Sa YouTube channel ng wedding videographer na si Bob Nicolas ipinalabas ang video ng kasalan. Matatandaan na noong November 11, ikinasal sina Ellen at Derek.


Ito ay ginanap sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort, sa Bagac, Bataan. Puro malalapit lamang na kamag-anak at kaibigan ng bride at groom ang imbitado sa kasal.


Bagamat simple lamang ang kanilang wedding entourage ay nakakabighani naman ang set up ng lugar. Puno ng napakaraming bulaklak at napapalibutan ng fairy lights.


Samantala, sa nasabing video ay maraming netizens ang naantig sa wedding vows ng bagong kasal. Ramdam daw kasi ang tunay na pagmamahalan nina Ellen at Derek.

Emosyonal si Derek habang binibigkas ang kanyang wedding vows. Aniya naging mabilis man ang pagpapakasal nila ni Ellen ay ito daw ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.


Ang desisyon niya umanong pakasalan ang aktres ang naging dahilan din upang tawagin siyang ‘Dad’ ng kanyang anak na si Austin for the first time.

Saad naman ni Ellen na pinipigilan din ang pagluha, “There is no perfect person. It’s just the one that I choose. The one that’s worth fi6hting for”



Share:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

Total Pageviews

Recent Posts